Notisya Ukol sa Espesyal na Pautang (Tokurei Kashitsuke) Gaya ng
Pang-emerhensiyang Maliit na Pondo (Kinkyu Koguchi Shikin), Atbp.

Ang ukol sa inutang sa espesyal na pautang, mula sa Enero, 2023 ay magsisimula na ang pagbabalik (pagbabayad).
Gayunpaman, ang mga taong naaangkop sa 1~3 na mga nakasulat sa ibaba ay maaaring mag-apply para sa exemption ng pagbabalik (pagbabayad), ang mga interesado ay mangyaring mag-apply sa lalong madaling panahon. (May pagsusuri sa pagpapasya ng exemption).
Tandaan na kung walang aplikasyon hanggang sa Disyembre 26 (Lunes), 2022, ang pagbabalik (pagbabayad) ay magsisimula na mula Enero, 2023.
Ang pag-awas sa account ay kada ika-20 buwan-buwan. Sana’y maunawaan ninyo.

Gayundin, para sa mga taong hindi nagtalaga para sa bank transfer, magpapadala ng hiwalay na slip para sa pagbabayad (2 beses sa isang taon), na mangyaring bayaran na lamang sa Post Office Bank, Kyoto Bank, o kaya ay sa Kyoto Hokuto Shinkin Bank hanggang sa katapusan ng buwan.

1.Mga taong nangutang at pinuno ng sambahayan na ang buwis sa paninirahan (juminzei) noong taong 2021 o taong 2022 ay exempted sa pagbabayad (parehong 0yen ang per capita rate at income rate)

Ang mga taong hindi nag-apply para sa exemption ng pagbabayad na naaangkop sa nasa itaas, ay suriin ang mga dokumento ng aplikasyon na ipinadala ng mas maaga at mangyaring mag-apply lamang. Kung ang mga dokumento ay wala sa kamay, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa nasa ibaba.
Tandaan na ang mga taong hindi pa iniuulat ang buwis bilang residente ay kinakailangang mag-ulat. Ang mga detalye sa proseso at iba pa ay hindi namin alam, kaya makipag-ugnayan na lamang sa tax office ng munisipyo kung saan ka nakatira mula noong Enero 1, 2022.

・Ang notisyang ito ay pinadalhan din ang mga taong ibinalik ang mga dokumento ng aplikasyon para sa exemption sa pagbabayad dahil sa hindi kumpleto ang mga dokumento. Salamat sa inyong pang-unawa.

2.Sa mga taong tumatanggap ng pampublikong tulong (seikatsu hogo) mula ng matapos makapangutang

Ang mga taong tumatanggap ng pampublikong tulong mula ng matapos makapangutang hanggang sa kasalukuyan ay maaaring mag-apply ng exemption sa pagbabayad. Makipag-ugnayan lamang sa nasa ibaba.
Tandaan na kung ang panahon ng pag-utang ay nag-overlap sa panahon ng pagtanggap ng pampublikong tulong, hindi mai-exempt sa pagbabayad.

3.Sa mga taong may Mental Health Welfare Booklet(Kategoriya 1)[Seishin Hoken Fukushi Techo (1-kyu)] okaya ay may Handicapped Person’s Booklet (Kategoriya 1o Kategoriya 2) [Shintaishogaisha Techo (1 kyu matawa 2kyu)]

Maaaring mag-apply ng exemption sa pagbabayad ang mga taong may booklet na nakasaad sa itaas. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa nasa ibaba.

4.Pakikipag-ugnayan / Lugar kung saan ipapadala

〒604-0874
Call Center na In-charge sa Pagpapabayad ng Espesyal na Pautang
Kyoto Prefectural Council of Social Welfare
Kyoto-shi, Nakagyo-ku, Shimizu-cho 375
Tel.: 050-2018-6625 (Lunes-Biyernes 9:00 a.m.-5:00 p.m.)